Papano ko kaya magagawang magkaroon ng katatagang loob at tapang , mga bagay na nagbigay katanungasn sa aking sarili .
Parang mahirap yata gawin ito lalo na sa isang tulad ko , na ng mga panahong yaon ay mapag hanap ako ng kaalaman sa mga bagay-bagay , maaaring nakakagawa ako ng isang mali na nagdudulot ng kapighatian sa iba o maging sa aking sarili.Mga bagay na nagbibigay karupukan sayo'ng sarili , na ang kamaliang ding yun ang siyang naghahatid sayo ng kasiraang loob.
Pawang mahirap yata magkaroon ng katatagan ng loob , kung ikaw ay nakaharap sa mabigat na pagsubok , ang mga kapighatiang din yun ang siyang nagbigay sa akin ng pang-unawa upang magkaroon ng katatagan ng loob,dun naipakita ang aking karupukan na siyang nagturo sa akin para mag-ingat .sa aking mga ginagawa.
Pagnagawa muna ang katatagang loob , magkakaron ka na ng tapang upang harapin ang ano mang pagsubok na darating sa iyong buhay.
Kapag ang isang tao ay nag kamit ng katatagang loob at katapangan , mundo man ay kaya niyang harapin at hawakan..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento